Babad
na naman sa telebisyon si Marie, at tulad ng dati, balita na naman ang kaniyang
pinagpipiyestahan. Ganito ang araw-araw niyang gawi. Uuwi galing sa trabaho
nang pagod at bubuksan ang telebisyon upang makita kung ano nang nangyayari sa
lipunang lumason sa kaniyang isip.
Isang
lolo ang humalay sa apat na taon niyang apo…
Isang
negosyante ang kinasuhan ng syndicated estafe ng isang…
Isang
pulitiko ang sinampahan ng impeachment
complaint…
Isang
pinaghihinalaang holdaper ang nakitang patay sa isang bakanteng lote…
Isang pusa ang iniligtas ng mga bumbero mula
sa…
S
bawat balita sa telebisyon, hindi niya nakikitang apektado siya nito. Matatawa siya
sa isang repoter na tumutula, magagalit siya sa pulitikong inakusahan ng pagdarambong
nang walang kaukulang ebidensiya, kakaawaan niya ang isang dalagitang ginahasa
at binasag ang bungo., makikisimpatya siya sa mga magsasakang nagmartsa sa
kainitan ng araw upang ipagtanggol ang karapatan nila sa lupa. Para siyang
luwad na namomolde ayon sa emosyong kaniyang nasasaksihan.
Ngunit,
pagkatapos ng balita, pagpatak ng primetime at oras na para magpalabas ng mga
telenobela at teleseryeng tila hindi niya pagsasawaan, at pagpatak ng oras para
panoorin na ang mga paborito niyang taumbahay
na pagkuwentuhan ang mga kapwa nila taumbahay na nag-aaway dahil sa
tinapay, hapunan at kung anu-ano pang kababawan, mawawala na ang simpatya, ang
lungkot, ang galit at ang mga pangambang napanood na niya sa mga balita. Para sa
kaniya, entertainment lang ang paghihirap ng ibang tao.
Pagpatak
ng alas-dos ng madaling araw, himbing na siya sa pagtulog. Mananaginip ng
maganda… depende sa napanood niya. Depende kung gaano siya naapektuhan ng ibang
tao.
“Ui,
Mars!” banat ng bestfreind ni Marie, ”napanood mo ba sa balita yung bida sa Hanggang
sa Dulo ng Walang Paalam? Kaloka. Siya pala yung daddy ng anak nung sa channel
six!”
“Ay,
oo. P.I. siya. Pero, mas grabe yung batang pinatay nung kalaro. Mga magulang
kasi ayaw mag-ingat.”
“Ha?
Hindi ko knowing yon. Nailipat ko ‘ata sa One Time Big Time.”
“Baduy!
Hilig mo sa ganon, girl!”
“Pake-bells
ba?”
“Mga
Mars,” isa pa sa mga kaibigan nila ang sisingit sa usapan. “Sino’ng nominated
kagabi sa PPB?”
Ito
ang buhay para kay Marie, aagos kung saan man dalhin ng daloy ng emosyon ng
ibang tao. Kinagabihan, nasa harap na naman siya ng aparato, alipin nito. Ganoon
uli ang gagawin niya: manghihimasok sa
buhay ng iba. Makikialam. May pakialam. Nasa pinakaligtas na lugar sa mundo, sa
harap ng telebisyon.
Muli
siyang huhubugin ng mga emosyon. Panaka-nakang sisilip sa cellphone at ite-text
sa mga kumare niya kung napanood ba nila ito o ganyan o anong oras ba ang
paborito nilang palabas at saang channel ba ito.
Para
sa kaniya, masayang mabuhay sa emosyon at paghihirap ng iba. Doon siya
nakukuntento… at nagiging brutal. Para saan ba ang pagsama sa mga rally
papuntang Malakanyang kung nakikiisa na siya sa panonood.
“’Te,
alis na kami. Ikaw ba?” tanong ng kaniyang katrabaho.
Overtime
siya ngayong gabi. Naisip lang niya. Maiba naman.
“’Key!
Mauna na kayo. See you tomorrow na lang ang drama,” tugon niya.
Naiwan
siyang mag-isa sa tahimik na opisina, sa kaniyang cubicle. Makakapag-concentrate
na siya.
At
kagaya nga ng inaasahan, wala na siyang masakyan. Tahimik na sa daan. Ang kalyeng
tila piyesta kapag tirik ang araw ay ghost town na kapag buwan na ang naghari.
Kabado
man, nilakad niya ang kalye. Marami na siyang narinig sa kalsadang itong
tinuturing nilang ang ‘tunay na Balite Drive’. Ngayon, siya naman ang bida.
May
kaluskos siyang narinig sa halamanan. Bigla siyang natigilan at tinapunan ng
tingin ang paretng yon ng kadiliman. Walng anu-ano ay may sumulpot mula sa
talahiban.
At
ang hangin ay napuno ng tili…
Babad
na naman sa telebisyon si Jamie, at tulad ng dati, balita na naman ang kaniyang
pinagpipiyestahan. Ganito ang araw-araw niyang gawi. Uuwi galing sa trabaho
nang pagod at bubuksan ang telebisyon upang makita kung ano nang nangyayari sa
lipunang lumason sa kaniyang isip.
Isang lolo ang
humalay sa apat na taon niyang apo…
Isang
negosyante ang kinasuhan ng syndicated estafe ng isang…
Isang
babaeng pinaghihinalang hinalay ang nakitang patay sa tinaguriang ‘tunay na
Balite Drive’.
No comments:
Post a Comment