Katorse, diyes, kinse,
bente kwatro, singko, diyes I siyete…
Alin kaya sa mga kombinasyon mo ang tatama? Mahigit
kalahating bilyong pisong biyaya rin yan na nakatiwangwang. Naghahandang
mapanalunan. Sa mga araw na dumaraan, lumalaki ang premyong alaga sa dilig at
dasal. Lotto. Legal na uri ng sugal. Kinalolokohan.
Araw-araw, dumarami ang mga taong sinusubukan ang swerte
nila upang ma-jackpot-an ang nakakahilong pabuya na nahinog na yata sa pilit.
Kalahating bilyon! Hindi na masama. Marahil, sa ganitong kalaking kwarta,
makakabili ka na ng tatlong mansion(baka nga sa exclusive village pa ito
nakatirik), limang luxury cars(yung nauusong voice activated pa), anim na
negosyo(mas legal mas maganda, siyempre), at marami pang iba.
Panigurado, maglalahong parang bula ang mga utang mo.
Araw-araw, may mga ngiti kang pagpipilian upang isuot sa harap ng madlang tao.
Kung dati-rati, tig-iisang daang pisong pamorma lang ang suot mo, ngayon ay
pihadong signature brand nay an. Gucci. Versache. Prada…
Nag-level up ka na talaga.
Magiging mistulang pambura din ang pera na mag-aalis sa
lahat ng mga lngkot at simangot mo.
Kalahating bilyong piso.
Ang sarap mangarap! Matulog sa ibabaw ng malulutong na
lilibuhin. Nakangiti sa iyo si Ninoy na parang nang-aasar pa. “Hon, laban ni
Pacquiao next-next year. Ano? Rerentahan ba natin ang T.I.C.C.?” “Hon naman,
nasa bakuran lang yung private jet natin. Gusto mo pumunta na tayo ngayon.”
Hindi na masama.
Pero bago mangyari yon, tumaya ka muna. Numero ng kaarawan
mo, ng kapatid mo, ng syota mo at ng pangarap mong lalaki o babae. Presto!
Winning combination. Ang inalagaang kombinasyon ay gasgas na sa ilalim ng
madiin na panulat at pasmadong kamay.
Ngayon, ipagpalagay nating nanalo ka na. muli, kalahating
bilyon. Tumataginting. Nakakapanlaway. Pwede ma nang lustayin ito ayon sa ibig
mo (sundin mo ang mga nakasulat sa itaas kung paano).
Ngunit sa pagdami ng salapi mo, sa pagtaba ng iyong
bulsa, dadami din ang lamok sa paligid mo at makikiusap ng kaunting dugo mula
sa iyo. Biglang sikat ka! Biglang dami ng kaibigan. Kung dati-rati,
mamomoroblema ka sa salapi at kahit anong bagay na may kinalaman sa mga usapang
de-kulay, ngayon ay mamomoroblema ka na naman. Ang dami kami nito para ubusin
sa loob ng isang araw. Nariyan pa ang takot nab aka may magkainteres.
Magnanakaw. Manloloko. Manggagantiyo. Baka halos lahat ng nagsisismula sa
pantig na mang, lilibot sa iyo na parang isang hindi mabusug-busog na
parasite.at ang mga kaibigan… ang mga amigo’t amiga na ready na para
makipagbeso-beso sa mamantika mong pisngi… kung dati hindi mo sila mahagilap,
ngayon kahit hindi mo sitsitan ay lalapit sila.
Lotto. Mula bente pesos naging kalahating bilyon na.
tumubo ang gamustasa mong binhi bilang isang malaking puno. Nakakatuwa!
Pero ang mga bagay
na basta-basta mo lang nakuha ay basta-basta rin lang nawawala. Hindi
karapat-dapat sa konsepto ng lotto ang salitang sayang. Ang isang daang losyang
ngunit pinaghirapan nga magdadalawang isip kapang gastusin.
Si Juan kasi ay mahilig sa instant. Instant coffee.
Instant noodles. Instant water. Instant yaman.
At kapag naglaon ay instant bagsak din ang kahahantungan.
Ngayon ay bumalik tayo sa realidad. Nasa kamay mo ang
bente pesos, anim na numero na wala akong ideya kung saan mo napulot at
kaunting pagkamaka-Diyos. Nangangarap kang makamit ang lahat ng ipinai-imagine
sa iyo kanina: ang bahay(tatlong mansyon), ang kotse)mga de-remote na oto), ang
malaking bank account(mas enggrande kung sa Swiss bank mo yan ilalagak) at ang
mga—pekeng—kaibigan.
Pupusta ka ba o ibubulsa na lamang
ang lukot na bente pesos na hawak
No comments:
Post a Comment