Ang buhay, gaya ng mga
kwentong nababasa mo sa mga mumurahin at mamumurang mga lathalain tulad ng
Precious Heart Romance at marami pang librong tungkol sa four-letter word na
yon—with is love, not fuck—ay puno ng mga karakter na nagbibigay kulay dito.
Puwede nating sabihing ‘ayan si Pedro’, ang lalakeng
mukhang clumsy pero halimaw mag-isip at wagas--
take note! ia-italicize ko pa yan—WAGAS—magmahal
(yuck!). pwede rin naming si Petra na hindi daw naniniwala sa word na love pero
ramdam na ramdam ito. Nariyan din ang bestfriend ng bayan na si Aling Sion na
naiintindihan daw ang lahat. O si Mang Juan na lagging ginagamit ang nanay niya
bilang excuse para hindi tumupad da pangako. Buntong hininga…
At marami pang klase ng tao.
Pero, i-try nating i-generalize silang lahat. Gagamit ako
ng labels para naman maka-relate ka, o better yet, magamit mo ito to describe
yourself or the others.
Here it goes:
Linguists:
sila ang mga taong walang sense kausap; walang ssubstance kung magsalita. Sila
yung tipo ng taong kapag nakausap mo ay may tendency na mag-hang ang iyong utak
dahil sa lalim ng kaniyang kababawan. Kundi ba naman sandamakmak na SImsimi!!!
Researchers:
sila ang mga fillers ng magulo mong mundo. Fillers. Palaman lang. nariyan lang
sila. Existing. Occupying space and time. Pinapanood lamang ang mundo. Buit na
lamang at naka-reserve ang isang part ng classroom niyo for them… well, either
way, hindi mo naman sila mapapansing buhay sila.
Alchemists:
those who turn the most worthless of metal into gold, in other words, nagiging
gold ka lang sa kanila kapag kailangan ka. Oportunista? Shocks! Obsolete na ang
word nay an. Repeat after me: “ALCHEMIST KA! Alchemist”
Lecturers:
WAAAARRR… AYAN NA ANG TAONG GRAVEH ANG VOCAL FIRE POWERRR…!!! KAILANGAN KONG
I-CAPS LOCK LAHAT ITO TO MAKE MYSELF CLEAR! Ang paborito nilang linya ay: “MGA
PUNYETA!!! TUMAHIMIK NGA KAYO. PARA KAYONG NASA PALENGKE NIYAN!!!” At doon mo
mapapagtantong umuugong nap ala ang tenga mo.
Theologians:
ang ating holier-than-thou na classmate o acquaintance. Banal. Child of God.
Prays everyday at ang astig na linya ay “wala kang kwentang tao. Gayahin mo
‘ko.” And all hell… ah, I mean, heaven breaks loose.
Quitters: sila
ang mga tipo ng taong lagging evacuation ang alalm, lagging eject button ang
hawak at laging sa exit sign nakapako ang tingin. May dalawa pang klase nito:
ang duwag na quitter at ang astig na quitter. Yung una ay talagang duwag lang
kaya umaayaw; ang pangalawa ay mga taong hindi magpapakontrol sa bobong mundo
kaya nag-ku-quit.
Google.com:
Oh, my gush! ‘Eto na ang mga nagmamarunong. Alam ko ‘to. Alam ko yan… alam ko
blah blah blah ang lagging linya. Kung meron lang yatang hindi alam ang taong
ito, ‘yun na siguro ang kaalamang walang alam ang pobreng bobong ito.
Starfish:
maganda, kaakit-akit, balingkinitan at… walang utak. Tama! Ang tanging saving
grace lang ng ganitong tao ay ang mukha nila.
Chemists:
science ba kayo? Bakit? Kasi may chemistry kayo, eh. AYIIIEEEEEEEEE… Ito ang
mga hopeless romantic na magaganda ang love life at nagbabalak magsimula ng
magandang love life. Puwede ring yung mga nail-link na tao. Basta this talks
about that one four-letter word: LOVE. Again, hindi fuck pero may eventuality na…
uh… change topic!
At siyempre, yung paborito ko:
Physicists:
nagsimula ito s eksplenasyon ng Law of Thermal expansion: ang lahat ng
naiinitan ay lumalaki. Uy! Berde ang nasa isip niya! Kund oo, congrats.
Physicist ka na! pero iba po sila sa mga manyak or just plain green na tao. Ang
mga taong ito ay nag-jo-joke lang ng mga highly sophisticated toilet humor na
sophisticated rin lang ang makaka-gets. And one more thing: utak lang nila ang
hindi virgin.
Ikaw, ano ka rito?
No comments:
Post a Comment