Thursday, December 13, 2012

The Badtrip List Ni Telle




 Ang dami talagang tao sa mundo ang puwedeng magpainit ng ulo mo. ’Yong tipong patawarin ka nawa ng poong hindi ko pinaniniwalaan dahil naging tao ka pa. Mapapamura ka. Maiinis. Mangungunot ang noo dahil binuhay pa sila ng Diyos. Mga kahihiyan para sa sangkatauhan. So sino ba ang mga taong ito na nagpapainit sa matagal nang mainit kong ulo.

Charice Pempengco-Nagsimula siya bilang isang pahumble na teenager na walang ibang pangarap kundi ang sumikat. Ngayon,sikat na talaga siya at pumunta pa yon sa kanyang ulo. Ang resulta? Ang nakakasuka niyang hairstyle at accent. God’s gift to insanity.

Chef Boy Logro-Isang ordinaryong pangalan para sa isang sakit ng ulo. Siya kaya ang Chuck Norris Meets Manny Pacquiao meets Cooking with the Dazas plus the ping! ping! ping! factor niyang nakaka ping! ping! ping! ng utak.Hindi naman sa ayoko sa Bisaya pero.. Oh Boy!

Boy Abunda-Isa pang ordinaryong pangalang masarap kalbuhin. Kung may malakas at maganda sa mitolohiyong pinoy,malamang siya ay isa sa “Malakas at Mas Malakas”. Saan ka ba nakita ng interviewer na mas magaling pa sa interviewee? Mas malakas nga. Badtrip.

Vicente ‘Tito’ Sotto-Ang isa sa maaalamat na Sotto brothers, at ang pinaka-orihinal sa lahat. Kung nakakamatay ang pag-aahit, malamang naahit ko na ang mukha niya para ipakitang kahit ang maskarang gamit niya ay plagiarized din.

Justine Bieber-Ang akala ko talaga noong una ay babae ang isang ito. Doon ako nagkamali… well half-nagkamali dahil ‘half’ lang naman pala siya. Aba, kundi dahil sa Baby,Baby Oh niyang kanta na tunog nakikipag-sex, walang sasabayan ang kawawang mga bata ngayon. Dito natin mapapatunayang isang henerasyon  ang nasayang  dahil sa kabadingan niya.

Willie Revillame-Isa sa mga pangarap ko sa buhay ay makita siya ng personal. Malay mo mabigyan pa niya ako ng bente mil, ‘di ba? May panustos na ako sa aking unlitext to all goddamn network na hirap na rin akong mairaos. Idagdag mo pa riyan ang maganda niyang diction; yung tipong malingat ka lang sandali, ang maiintindihan mo lang ay anyonya! anyonye anyonye! anyonye! and all he breaks loose.

President Noynoy Aquino-Isang kawawang fifty-year old bald virgin na puppet lang ng kanyang ina hanggang ngayon. Kung alam lang nating lahat: The fifteenth president of the Republic of the Philippines is Cory Aquino, and he just holds the rein that his damn mother manipulates. Ang wish ko lang, bago siya mamatay ay mamatay naman silang hopeless romantic at hindi hopeless.

Manny Pacquiao-God’s gift to boxing. ..at sana nag-stick na lang siya sa larangang ito. Kung gusto niya maging  Jack… o Packuiao of all trades-nagtagumpay na siya! Maging nuisance nga nagawa na niya at ito lamang ang nag-knock-out sa kanya.

Kris Aquino-Maputi, maganda, matalino,…lahat na ay nasa kanya.Never speak ill of  her kundi magkakagulo tayo dito. I love her kaya, lalo na ang asampsyonista niyang diction. Wala na akong iba pang masasabi sa kanya. Kaya nga gusto ko siyang makita sa maraming piraso, eh.

Nariyan pa sina Katy Perry, Taylor Swift, Oprah Winfrey (o kung paano man baybayin ang apelyido niya),Shalala, Alfie Lorenzo,at marami pang iba. Kaya kung pareho tayong badtrip sa mga taong ito, goodluck na lang sa atin,kung isa ka naman sa mga taong gusto sila… goodluck na lang sa kaligtasan mo.

No comments:

Post a Comment