Friday, April 13, 2012

Bad Trip by Cha-cha



“Kung isa akong bad trip na damo, kayo ang fertilizer ko”
-unknown
Nakakaasar `yung kateks ko kagabi. Magalit ba naman sa akin kahit wala pa akong ginagawa sa kanya (may balak sana?!). May na-upset ba ako na obsessive compulsion niya? Tinanong ko siya kung anong ginawa ko sa kaniya. Sabi niya WALA. Eh, tama ba naman `yung magalit siya ng wala man lang pasintabi? Ano bang dahilan niya? Bad trip daw siya! Oh! Our God! Idamay ba naman ako sa pagka bad trip nya! Asar! Dahil sa kanya ang hirap tuloy mag-isip ng pwede kong isulat. Tss…!
Naging malaking question mark and exclamation mark tuloy sa isip ko kung bakit siya nababadtrip. Bakit ba tayo nababad trip? Hindi na ba tayo tao kung hindi pa tayo nababadtrip? O talaga lang may mga mahihilig mang asar at mam-bully? `Yung tipong hindi ka titigilan hangga’t `di nakikita `yung paiyak at buraot mong pagmumukha. Ano? Naranasan mo na din ba `yan? Naramdaman mo na din ba `yan?
Nakakaasar `di ba? Nakakasura! Nakakatulig! Nakakabugnot! At lahat na ng word na related sa galit, poot, inis, yamot, bwiset, urat, `takte, anak ng tokwang hilaw, shiva, wattaep, at… wala na kong maisip! At ano pang sasabihin nila kapag napuno ka na?(awas pala).. Kapag nag-walk out ka? Kapag `di mo na napigil ang pagpatak ng mga likidong perlas mula sa iyong tantalizing eyes?
“Haay! Ikaw naman! `Di ka na mabiro!” Disclaimer pa! NVM! Nabadtrip mo na akong badtrip ka!
Nakakabad trip din `di ba? Eh eto! Pa`no kapag `yung nambadtrip sayo ay bad trip din pala? At yung dahilan ng pagkabad trip niya eh bad trip din kaya napagbuntunan lang siya ng bad trip nung taong bad trip na `yon? Eh di nagkabad tripan na? Nagkaroon na ng chain reaction na gaya ng Plants Vs. Zombies y`ung pagka bad trip lang ng isang tao. Kaya isa talagang BAD TRIP (malaking bad trip) kapag bad trip ka. Cycle kasi yan. Kagaya ng kahit anumang bagay sa mundo, naipapasa din ang sama ng loob. [Meron bang sama ng labas?]
Ano ba `yan?! Baka pati dito sa article ko nababad trip ka na din! Sorry agad! Tsaka, siguro gusto mo na bilangin kung ilan yung salitang “bad trip” dito `no?! Twenty one pa lang naman simula nung nagbasa ka. Jmay masabi lang, pangdagdag badtrip.
Marami kasing sanhi ang pagkabadtrip. Maraming gumagalit sa isang tao. Pressure, injustice, mga mapang-abuso, si Justin Beiber, ibang tao, at kung minsan ay ang iyong sarili. Hindi naman kasi masamang mainis, siguraduhin mo lang na may patutunguhan. Righteous na klase ng pagkabadtrip to the highest level.
Pero eto talaga usapang matino. Maipapayo ko lang naman. Kapag bad trip ka, pilitin mo magpaka good trip. Kalma lang, dre. Inhale… Exhale… Inhale… Exhale… Ganyan nga! (Nang-uto?!) Pero ganyan talaga. Then, try to face the unfair world with good vibes (napa-English tuloy ako). Tapos `yun na! Start again… with a smile
Kung gusto mong mabad trip, maraming paraan. Tulungan kita?! `Di nga ba ang sabi nila, kung gusto may paraan, kung ayaw… eh, di iwas! Kunin mo na lang ‘yung I-pod mo tapos patugtugin mo ang One Time ni Justin Bieber, solve na! Badtrip na! Idagdag pa diyan ang mag-syotang nagpi-PDA sa harap mo (malapit na kasi pasko!), panalo na rin. BADTRIP ka na talaga tuda hayes lebel!!!
Pero kung may nakakabadtrip na side ang pagkabadtrip, meron din kaya itong good side? Alam mo na, “I am reaping something from my BADTERPNESS!” Meron (siguro)! Una, alam mo na napo-prove nito ang existence ng isang tao. Bakit? Dahil laman din siya ng isip mo and vice versa---in a bad way nga lang. Kung may nakapang-badtrip sa iyo, e `di he’s alive and kicking (yung tipong siya ang masarap sipain!) ‘tsaka ‘yung tipong alam mong buhay ka pa. Dahil may pakialam ka pa sa mga bagay na ayaw mo at di katanggap-tanggap para sa ‘yo. At ang isa pa namang naalala ko ay ang sinabi ni Gon [di sya yung favourite ko ha?] na character sa sikat na Hunter X Hunter, makikilala mo ang isang tao sa kung ano man ang ikinagagalit niya. Mula rito, alam mo na ang mga bagay na dapat iwasan mong magawa para maging maganda ang pagsasama ninyong magkaibigan. Harmony, sabi nga.
Ayan! Hindi na rin ako bad trip. Two-in-one! Nawala na `yung bad trip ko, may article pa ko! Nailabas ko na kasi ‘yung hidden (hindi talent pero puwede na rin) perception ko ‘tsaka frustration (na rin) sa buhay. Infairness, naging productive ako!


No comments:

Post a Comment