Trip ko ‘to, walang basagan!
Para sa’kin ang buhay ay trip lang. Medyo pareho na rin sa konsepto ng kasabihang “Kailangan lang nating sumabay sa agos ng buhay.” Medyo lang naman, medyo mahirap nga naman kasing ikumpara ang makabuluhang salitang “buhay” sa salitang “trip”. Pero para sa akin ang buhay ko ay pinapatakbo ng sarili kong trip. Oha! Trip-trip lang ‘yan ‘pre!
Ito ang pananaw kong trip sa buhay. Ewan ko lang sa’yo. ‘Di ko naman hinihingi ang opinyon mo eh. Kung gusto mong kontrahin ang pananaw ko, gumawa ka ng sarili mong article! Kunsabagay, naisulat ko lang naman ‘tong article na ‘to para i-express ang sarili ko hindi upang mangumbinsi ng mga mambabasa katulad mo.
Ano ang purpose ng buhay mo? – Ang gumawa ng mabuti sa kapwa? (good samaritan effect). Ang magmulat sa katotohanan? (judicial effect). Ang magpagaling? (healer, doctor o albularyo effect). ‘Pag nagtanong ka sa kahit sino diyan sa tabi-tabi, malamang iba’t ibang sagot ang maririnig mo. Pero para sa’kin ang purpose ng buhay ko ay ang “mantrip”. Walang kwenta ba kamo? Ito ay dahil sa trip ko pa rin, e sa trip ko ‘to eh! Pero pa’no kung sabihin ko sa’yo na trip kong gumawa ng mabuti sa iba? Trip kong magmulat sa katotohanan? Trip kong magpagaling? Iisipin mo pa ba’ng walang kwenta ang trip ko?
Tulad na lang ng pagiging manunulat ko (wehh???), ng pagiging part ko ng VC. Nagsimula ito sa isang trip ko nung hayskul. Ako kasi ‘yung taong madaling ma-bored at magsawa. Nung third year ako, sawang-sawa na ko sa daily routine ko na pasok sa skul – gala – uwe sa bahay, kaya naman natripan kong sumali sa publication ng school kasi alam ko na ‘pag may mga presscon (competition)
Ang ala-ala mo’y aking nagunita, panahon nang ako ay musmos pang bata. Dampi ng ‘yong kamay, ngiti sa ‘yong labi, itinaglay mo akong kaparis ng binhi. Parang kahapon lamang ng tayo’y magkapiling. Bakit ngayo’y nagulat sa aking pagkagising, bigla na lang gumuho ang aking damdamin, ang tuyot kong puso ay lumuluha man din. Natangay
kung saan-saan nakakarating ‘yung mga participants at excused pa! Ansaya ‘di ba? Hanggang dumating na lang sa point na ang trip kong mag-gala at mag-excuse sa klase ay naging trip na dalhin ang pangalan ng skul namin sa district, division at regional presscon, sa kasawiang palad, ‘di ako umabot sa national presscon. (Sayang, isang panalo na lang ‘yun eh!)
Dumating ang graduation, malungkot kasi tapos na ang karera ko sa mga presscon-presscon na yan, pero masaya din kasi dahil sa trip, nakasungkit din naman ako ng mga medalya dahilan para mapasaya ko naman mga magulang ko (ehehehe!). Nagpatuloy na lang ang trip ko na ‘yan hanggang ngayon. Trip na sumali sa VC at trip na isulat ang nantitrip na article na ‘to.
Sabi ko nga, trip-trip lang ‘yan!!! Depende lang sa’yo kung ano ang trip mo. Kung walang magandang naidudulot ang trip mo (e.g. magdrugs, mang-manyak, mambanat ng kung sinong matripan, mandekwat ng dos sa katabi) dapat lang na baguhin mo na ‘yan. Pero kung sa tingin mo may sense naman ‘yang trip mo, keep it up! Malay mo, ‘yan pa maghatid sa’yo sa tagumpay. Oha! Nice Trip ‘pre!!!
No comments:
Post a Comment