Kanina paako nakaupo dito at patuloy sa pag-iisip kung ano ang ilalagay ko sa aking kolum. Pagpasok ko ng office kanina, sinabihan ako ng EIC na kailangan na ang kolum ko. Napatigil ako at pumasok agad ang gulo sa aking pag-iisip. Anong konsepto ang isusulat ko? At naalala ko ang sinabi ng co-Vcians ko na hindi kailangans mag-isipng malalim para makabuo ng magandang kolum. Minsan, kahit mababaw lang ang topic ay mapapaganda mo ang pagsulat sa paggamit ng mga tamang salita. Nasa iyo kung pahihirapan mo ang sarili mo.
September 6, 2008
“This is not so funL I’m tired of being responsible of everything (what I mean is I don’t want to have so many too much burdens. ) but I like the way I am(being responsible)
Natatawa ako sa mga nakasulat sa daily journal ko dahil may mga naisulat ako na ngayon ko lang ulti binalikan at napako ang tingin ko sa pahinang ito. 1st year college palang ako ng isulat ko ito. Though I’m tired but I still love what I’m doing. Ngayon ko na –realize na malalim ang salitang “responsible”. Magiging effective ang pagigigng responsible mo kung mahal mo ang ginagawa mo. Kung mahal mo ang kurso mo, mananatili ka d’yan. It’s not a thing that you’re just going to take for granted and being responsible to the phrase “mark you word”. Laging isipin kung bakit ka kabilang sa mundong ito. Hindi ito dahil sa pangalan na hawakmo pero sa bawat gawain na maiaambag mo. A title is nothing without actions. Kung hindi ka kikilos ngayon, you would not be responsible at nasa sa’yo kung pahihirapan mo ang sarili mo.
Ang pagiging responsible ay parang pagsulat sa isang daily journal, hindi ka man mangako na araw-araw mong isasalaysay ang kahit pinakamaliliit na detalye ng iyong karanasan, susulat at susulat ka pa rin- kahit isang happy face o sad face na tutukoy sa iyong emosyon. At ito ay nagpapakita lamang ng pagmamahal mo sa mga bagay na gingawa mo at bahagi na ng pang-araw-araw mong sistema. Ang pagtupad sa isang tungkulin ay nangangailangan ng libos na pagpapahalaga, pagpapahalagang ibinibigay mo hindi s napipilitan ka lang o kaya naman ay naghihintay ka ng anumang kapalit, kundi sa kadahilanang nasisiyahan kang gawin ito. You will find fulfillment in doing it.
Ngayon, tinitigan ko ang kwadernong ito kalakip ang marami pang nlangkong pahina. Maihahalinutlad ko ang mga ito sa pilas ng aking mga pangarap na unit-unti kong binubuo. Patuloy ang pagsulat ng mas magandang bukas.
No comments:
Post a Comment