Friday, April 13, 2012

Tula

Republikang de Basahan
Pangalan!!!
Katabi ng basahan.
Magkasingkahulugan?
Sana hindi.
Dahil alam kong hindi.

Idlip
Halika rito’t, ika’y umidlip muna,
Nang mawala ang ‘yong pagkabalisa
Humimlay ka sa aking balikat
At ipikit ang ‘yong matang dilat

Kobre Kama-
Wala na akong nanaisin pa
Kundi ang makapiling ka aking ina
‘di alintantana and delubyong dumarating
‘pagkat sa piling mo, ako’y mahihimbing

Lakad
Sino ang may patutunguhan?
Ang may tanong o ang may sagot?
Maglakad lang.
At wag lilingon patalikod.

No comments:

Post a Comment