Hindi ako fan ng mga love story. Ewan ko kung bakit. Siguro nakakadiri lang kasi. Pero iba ang istoryang pag-ibig na ito nina girl at boy. Isang lab istori na walang kakornihan, ka-cheesy-han at kung anu-ano pang panlarawang related sa pagkain. Kung tutuusin, hindi nga ito maituturing na kwentong pag-ibig dahil hindi naman talaga sila. Hindi nga sila. Hindi mag-on ang dalawa. Hindi magboyfriend-girlfriend. Hindi rin nagkakaligawan.
Pwede nga natin sabihing isa itong kwento ng pagkakaibigan.
Kung gano'n nga, bakit nasabi ko pang love story ito? Ewan ko ulit. Baka pati ako gulatin ng dalawang ito.
Hindi sila tipikal na magkaibigan. Kung hihingin kasi ng pagkakataon, magbabangayan sila. Magtatalo tungkol sa mga maliliit na bagay hanggang sa magpatalo na itong si lalake. E di, okay! One point na ang bida nating babae. Pero kung gaano kabilis magsimula ang world war x (and let x be the number), ganito rin kabilis matapos ang gulo. Tama! Mairaos lang ang away. May mapagdebatehan lang. Ito na yata ang lambingan nila. Bangayan.
Pero matagal na silang magkaibigan. Seryoso! Matagal na talaga. Para lang silang mga batang nag-away, nagkaiyakan at pagkatapos, bati na uli. Sa ikinahaba-haba ng panahong magkakilala sila, away bata lang ang nangyayari.
Iyakin itong si girl. College na siya pero mababaw pa rin ang luha. Pero, 'wag ka! Hindi pa siya napapaiyak ni boy. Hindi ba ironic! Madalas magtalo pero hindi pa rin napapaiyak si girl.
Kaya siguro pwede na nating label-an itong . . . Um. . . Love story. Kahit wala pa yung elementong nagsasabing ganito nga ito: isang corny-free love story.
"E di kung ayaw mong maniwala, okay lang. Pake ko sa nararamdaman mo!"deklara ni boy. Palabas silang dalawa sa campus. Pauwi. At as usual, nagtatalo na naman sila tungkol sa mga walang kwentang bagay. "Basta isa yon sa limang 'wag pag-uusapan: yung edad!"
"Bakit? Kano ba tayo? Culture kaya ang nagdedetermine non. Sa atin okay lang." Saka sisingit ang kulog sa usapan nila.
"Actually
nagiging magalang ka pa nga no'n, eh."
"Huh! Depende uli sa social status yan. Kung mahirap lang ang tao, wala yong pake sa edad pero ang nakakaangat, meron na."
"Edi, culture pa rin."
Saka pumatak ang ulan.
Patuloy pa rin sa pagtatalo ang dalawa. Walang gustong magpadaig. Wala ring makakapigil kahit na ang epaloids na ulan.
Pero hindi napansin ni girl na okay lang kay boy na mabasa basta maayos niyang napapayungan si girl.
As usual, late pumasok si boy. Sagana kasi sa internet hanggang madaling araw kaya thirty minutes late sa klase.
"Sorry po, ma'am. I'm late!" bulalas niya pagbukas ng pintuan. Mabuti na lang at may probisyon na siyang upuan mula kay girl, na si girl mismong ang kumuha. At ito ay laging katabi ng upuan niya.
"DoTA na naman? Lagi ka nang late tuloy," bulong ni girl na tama lang ang hina para marinig ni boy at hindi masagap ng praktisadong tenga ni instructor. "Try mo kayang matulog ng maaga."
"E di nagkasakit naman ako. Di na kaya ako sanay matulng nang maaga. Nasakit ulo ko."
"At ano?! Magrereklamo kang puyat! Tae mo!"
"Tae mo din!" ganti nito. Saka mamamantot ang usapan nila dahil sa palitan nila ng sweet nothings.
"May research ka?"
"Ano'ng research"
"Yung assignment natin dito, yung ideas ni Jean-Paul Sartre? 'wag mo sabihing nakalimutan mo; magdamag ka na sa computer."
Kamot-ulong sumagot si boy na nakalimutan niya. Tama! Magdamag na siyang babad sa liwanag ng DoTA at iba pang electronic means of mental masturbation, hindi niya naalala ang assignment. Walang halaga ang academic sa buhay niya. Pero napakamot pa rin siya ng ulo.
"'Yan! Ta'mo kung sino'ng tae." May kinuha siya mula sa envelope niya: isang naka-stapler na kaligtasan mula sa mapaghusgang mga mata ni Ma'am Cheapipay.
Bakit natutuwa siyang makita ang pangalang Jean-Paul Sartre na naka-times(new romans), font size x+y=z? Siguro dahil talagang ligtas na siya. Muli, ang pagkamot ng ulo sabay kuha sa plake ng pagkasalba. "Nag-abala ka pa. Magkano?"
"Wala."
"Tae ka! Magkano?"

"Wala
nga. Kunin mo na. Magagalit ako sa'yo."
Pagkabanggit ng salitang galit, tumiklop na rin si boy. E, madalas naman silang mag-away, bakit kakatakutan pa niya ang galit nito. "Okay," ang pagsuko niya. "Marami na akong utang sa'yo." Kahit wala naman.
I-try nating ilarawan ang dalawang ito with as much precision as yours truly could muster para naman kahit papaano-- o depende sa bisa ng inyong lingkod maglarawan-- ay may imahe ang mga mahal kong mambabasa ang mga itsura ng mga tauhan sa kwentong ito ng pag-ibig na hindi nawa maging mamais.
Si girl ay isang maliit na tao, maliit para sa kanyang edad. Maraming nagsasabing maganda raw siya-- at 99.9% roon ay totoo sa kanilang tinuran. Maputi siya na may kaunting pula sa pisngi; para bang bago siya umalis ng bahay, kinukurot muna siya ng mga magulang niya, nakatatandang kapatid, lolo at lola o kunsinuman ang kaniyang pisngi dahil sobra silang naku-cute-an sa kanya-- kawawang bata dahil isang sumpa sa kaniya ang maging maliit at sobrang cute. Lagi nga siyang inaasa ni boy na kagagradweyt lang sa elementary. Gagantihan naman siya ni girl ng "NAGSALITA."
Tahimik lang siyang tao. Ang akala ng marami ay masungit siya dahil na rin sa mga mata niya. Hindi nila alam na baka siya pa ang nabu-bully-- kawawang bata dahil isang sumpa sa kanya ang maging maliit at sobrang cute. Pero sa kabutihang palad. Walang nagtangka na i-bully siya dahil na rin kay boy. Kinokonsidera ni boy na isang lucky charm si girl-- kawawang bata dahil isang sumpa sa kaniya ang maging maliit at sobrang cute.
Si boy! Isa siyang tipikal na binatang walang hinangad sa buhay kundi maghapong magmura sa harap ng DoTA, gumimik, makipagtalo tungkol sa mga philosophical na bagay at. . . Titigan si girl. Gaya ng tinuran, matagal na silang magkaibigan; isa itong pagkakaibigang tahimik na namukadkad mula sa dilig galing sa laway ng kanilang pagtatalo at tahimik na pagmamalasakit sa isa't-isa. Balewala sa kanila ang konsepto ng who-cares-even-the-care-bears-don't-fucking-care. Kaso hindi halata.

·
o
Nasa gitna silang dalawa ng dalawang klase ng init: ang init ng araw at init ng pagtatalo. Tulad ng dati, walang gustong magpadaig. Alam ng isa ng mas valid ang argument niya kaysa sa isa-- well, kung titingnan, di ba ganito naman talaga ang backbone ng isang debate? Kung may debate team sa school, malamang kasali ang dalawang ito; at mas malamang na lagi pang magkalaban.
Pero, biglang napatigil si girl nang mapatapat sila kay ate vendor na nagtitinda ng mga accesories. Ang mga mga mata niya ay nakatuon lamang sa isang bracelet. "Ang cute naman no'n."
"Alin?" Hinanap ni boy ang tinitingnan ni girl, na itinuro naman ng huli. "Ah, yun ba?" Tapos kay girl naman. "Gusto mo?"
"Oo. Cute nga, eh." Then, sa kasama niya siya tumingin. "Pero baka hindi kasya sa 'kin yan."
"Malamang," diin niya. "Ta'mo nga yang braso mo: gatingting na. Ang nipis-nipis mo."
"Wala na akong pag-asang lumake."-- kawawang bata dahil isang sumpa sa kanya ang maging maliit at. . .
'Sobrang cute,' naisip ni boy. "Ganyan ka na lang. 'Pag lumake ka pa batuk-batukan mo lang ako."
"Sa ugali mong yan? Malamang talaga sa hindi. Tara na. May assignment pa tayo."
'Ang cute naman ng magsyotang yon,' naisip ni ate vendor.
At yun nga! Nagpatuloy ang dalawa sa ilalim ng sikat ng dilaw at nang-aasar na araw. Habang ang init-- ang nakakapasong init-- ng pagtatalo nila ay nawala na sa kanilang mga isip. Nanatili naman sa utak ni boy ang larawan ng mumurahing bracelet.

o Dumaan ang mga araw kasama ng timba-timbang
topics na pinag-awayan at pwede pa nilang pag-awayan; pati na rin ang mga
gabing ginugol sa pagbabasa ng mga paperback novels at paglalaro ng DotA.
Foundation week ng school. Wow! Kaguluhan na naman ito! Tatlong venues ang pinagdausan ng mga events sa school: sa campus ground, sa basketball court at sa track and field.
Nag-iisip si boy. Ano kaya ang ibang mas magandang ibigay kay girl; yung klase ng bagay that would speak for itself. Pero parang nagdadalawang isip siya. Si girl kasi parang walang pakialam. Well, ito rin naman ang gusto niyang palabasin; na wala siyang pakialam.
Buong araw magkasama ang dalawa. Nood nito; nood niyan. Bili nito; bili niyan. Magbibigay ng random at-- ayon kay girl-- irrelevant na trivia si boy. Magpapakita ng pagdududa ang maliit na mukha ni girl. Ididiin ni boy ang gusto niyang sabihin at ganon pa rin: hindi maniniwala si girl.
"Alam mo, dapat hindi na nagse-celebrate ng foundation day ang school na ito. Wala namang nararating." Likas kay boy ang maging cynical kaya pati ang mahal nilang alma mater ay binibiktima niya.
Naglalakad sila paalis ng track and field. Ang mga stall doon ay inaayos na para ihanda ang isa pang event sa campus ground. Kulay dugo at halaya na ang kanluran; naalala tuloy ni girl ang kapitbahay nilang walang taste sa art dahil pinapinturahan nila ng kulay panghimagas ang dingding ng bahay nito. Pinangako niya sa sariling hindi niya uulitin ang pagkakamaling yon ng kapitbahay.
"You've got to start somewhere. Saka sabi sa kasabihan: hindi ka makakarating sa paroroonan kung di ka lumingon sa pinanggalingan. . . " ani girl.
Baliktad ang pagkakaayos ng mga salita ng kausap niya. "Eh, wala namang pupuntahan. Bobohan kaya diyan. Ta'mo! Hindi nga na-explain ni Ma'am Chipipay nang ayos yung Sartre's Ontology, eh."
"Alam mo masyado kang skeptical--"
"Cynical," correction niya.
"Cynical. Masyado kang cynical. Try mo kayang tingnan ang brighter side ng ibang tao."
"At ano? Magpakaboplaks dahil sa patae-tae nilang. . ."

o . . . nilang pinaggagagawa. . ."
At hindi ko na kelangang isulat pa ang natitirang 99% ng pagtatalo nila. Hayaan na nating ang outline ng pag-uusap nila ang mabasa ninyong mahal kong mambabasa. Hindi nga ba't ang buong buhay nila ay nakalaan sa pagtatalo; ito ang kanilang oxygen.
Nakarating sila sa campus nang ligtas at iisang piraso pa. Nakikita kasi ni girl na parang sasabog na sa inis si boy, e. Kaya hayun! Napilitan si girl na magbigay ng words of encouragement. . . na once in a blue moon lang kung ibigay niya.
Tumahimik naman si boy na parang umiiyak na sanggol na sinubuan ng dede ng ina nito. Well, kelang niyang makinig.
Ito rin ang isa sa mga time na gustong sabihin ni girl na 'aba, nakikinig ka pala' pero hindi na niya itinuloy. Nagtagumpay na siyang patahimikin ito, e.
Nagpatuloy ang gabi habang nanonood sila ng Mr. and Ms. Let x be the name of the school. Naisip ni boy na kung biniyayaan siguro si girl ng height, isasali niya ito sa nasabing event; pero sa ngayon, sa Little Miss Philippine lang ito papasa. Nakatingin siya sa maputing pisngi ng babae-- na colorful sa oras na yon dahil na rin sa mga ilaw. Nakatingin lang si boy. Kung tutuusin pala kaya niyang tiisin ang buong gabing ito na puno ng mga candidates na wautak ang mga sagot. May Little Miss Philippines naman sa tabi niya.
Inangat ni girl ang patpatin niyang braso para tingnan ang oras. Saka siya natigilan. "Kainis!" bulong niya. Saka siya tumayo mula. Yung tipong may isang nakakatakot na bagay siyang nadiskubre. . . Ganun!
"Bakit?" Si boy naman, concerned.
Tiningnan niya ang katabi. "Punta lang ako ng track." At wala nang kasunod pa, saka siya umalis.
Eh, alam niyang hindi dapat maglakad mag-isa ang babaeng yon dahil delikado. Isa pa, hindi nya kayang iwan ito. Kung gaano ito kaliit, ganon din kaliit ang katapangan nito. Kaya tumayo na rin siya at sumunod.
"Anong gagawin mo don?" tanong ni boy pagkahabol.
"May hahanapin ako."
"Cellphone mo? Nawala ba?" Tiningnan niya ang bangs nito na parang ni-ruler ng parlorista. . .

o . . .noong isang buwan. "Pabawasan mo
yang bangs mo."
"Yang bangs mo pabawasan mo. Assymetrical."
"Oh? Symmetry is beauty? Tamo yung Leaning Tower of Piza, parang ikaw lang--" muntik na niyang masabing maganda kaya iniba niya. "Parang ikaw. Tagilid."
Madilim sa field. Salamat sa pakurap-kurap na ilaw na ibinibigay ng mga poste sa daan at ng mga kumukutikutitap na mga bituin, kahit papaano ay may liwanag. Kung katahimikan ang pag-uusapan, malabong magkaroon dahil sa ingay sa campus. Rinig nga nila ung sagot ng isang contestant, e. ". . . my pamily. . . My pamily. . . Dey was. . . " English sa perfect tagalog accent. Kung di dahil kay girl, malamang may na-trash talk na naman siya.
Salamat na lang at may flashlight ang cellphone ni girl. Teka! Eh, hayun ang cellphone nito, ah! Ano'ng nawawala?
"Uy! Ano ba'ng hinahanap mo?"
Hindi nakikinig si girl. Tuloy pa rin siya sa search and rescue operation niya. Baka hindi siya maabala nito. Dahil doon, bumalik ang isip niya ilang taon na'ng nakakaraan. Elementary siya noon. Mahiyain at mag-isa. At dahil na rin kulang sa height, madalas asarin. Siya kasi ang typical na batang masarap ibully. Tahimik na iiyak. Kawawang bata!
Pero may isang insidente siyang naaalala na kahit kailan ay hindi niya malilimutan. Ganito yan:
Characters: siya at ilang mga malalaki at uhuging bata.
Setting: sa canteen. Lunchbreak noon.
Plot: maghahanda na sanang kumain si Little Red Riding Hood nang bigla siyang cornerin ng mga batang amoy mangga't bagoong.
"Uy! Buuwit. Ano'ng ulam mo?" tanong ni kapitana.
Walang sagot si girl.
"Amin na lang!" Saka hinablot ng isa ang lunchbox niya.
Nagulat si liit pero first time na naging defiant. Nakipag-agawan siya. "Akina. . . Please. . ."
Ang iba naman nitong kasama ay nag-cheer. Ang iba, nakatanga.
Ngunit, di inaasahan, may lumipad sa mukha ni Jumbo Kapitana. Pansit palabok. Whooosh! Dahil doon, napabitaw siya at napaupo sa maruming tiles.
"Pucha! Sino'ng?"
Lumapit si boy. "Yan! Gusto mo'ng pagkain, di ba? Marami pa niyan. Sopas?"
Dahil doon,

o karipas ang tropa. Nanakot pang isusumbong
nila ito kay ma'am.
"Thank you, ha." ani Liit.
"Thank you ka d'yan. Gusto ko ako'ng mambubully sa'yo."
Hindi niya malilimutan yon dahil simula non wala nang nang-away sa kaniya.
"Hoy! Ano ba'ng hinahanap mo?" ulit ni boy.
"Yung bracelet na bigay mo." at patuloy lang siyang nanuyod ng damuhan.
"Ha? E, isa lang namang bracelet yan. Bili ka na lang ng bago."
"Ayoko."
Buntong hininga lang ang ibinigay niya; mahirap talagang makipagtalo sa babaeng ito. Mahirap pilitin. Kung kutusan ko kaya ito. "Di ba nagrereklamo kang malabo na'ng mata mo? 'Pag di mo pa tinigil yan. . . "
Tumigil si girl sa paglingon-lingon at tiningnan niya si boy gamit ang mga 'vunerable' niyang mga mata. "Ayoko! Wala 'kong pake kung kelangan ko nang gumamit ng reading glasses. Nawala ung bracelet na bigay mo. Binigay mo sa'kin un, e. Importante kaya un! Ikaw nagbigay, e."
Saka papasok sa eksena yung slow motion at mute-all-sounds effect. Walang makapagsalita sa dalawa; pati ang tunog sa school ay nawala. Ito na yata ung moment na gustong mamoment ni boy: yung lagi niyang dine-daydream bago siya matulog. . . Sa gabi.
Parehong namula ang mga mukha nila.
. . . at ang hindi alam ni girl, ang bracelet na napamahal na sa kanya ay nahihimlay lamang sa kaniyang bulsa.
WAKAS.

No comments:
Post a Comment