Mula sa pasmadong panulat ni Malice. Istoryang hango sa
hiling ni Juan Carlos y Un Favor de la Torre para kay Cristina Villa Mefenamic
Acid. J
Dear (Pangalan Itinago)
Paano ko
ba masisimulan ito? Ganito. Alam mo kasi matagal na akong may pagtingin sayo. Simula
pa noong nasa unang taong tayo ng kolehito. Hindi ko lang masabi sapagkat
natatakot akong masira ang pagkakaibigang naipundar ng ating samahan.
Mahal kita
at gusto ko sanang –
Shet! Ambaduy!
Nilamukos
ko ang papel na sinulatan ko at itinapon ito sa kung saan mang sulok ng aking
kwarto. Doon nakita ni pobreng sulat ang iba pang mga katulad niya. Ganito ba
talaga kahirap magsulat ng love letter? Eh, mas madali pang magsulat ng
research paper kesa sulat-pag-ibig!
Sumandal
ako sa aking monoblock chair at tiningnan ang bintanang papasira na. doon,
nakamasid ang sanga ng gumamela na para bang nag-aasar pa.
Oo na.
torpe na kung torpe.
Naalala
ko ung status ko sa facebook:
Siya ang
laman ng isip ko sa aking paggising at ang ilusyon ko sa aking pagtulog…
sinasabi ng isip ko na sabihin mo na kahit na nilalaban ito ng aking damdamin. Eh,
paano kung umoo siya, r di mapupuno ang notebook mo ng mga kathang tila ba mga
awitin. Masaya. Eh, paano kung hindi, masasaktan ka na naman.
Ang laking
problema, ano? Ma-i-in love ko lang naman. Yun na! ano bang mahirap doon? Kaing
dali lang naman yon ng pagsasabi ng ‘ tsong, ampanget mo!’ Eh, bakit hindi ko
pa magawa.
Nasobrahan ako sa pakikinig ng Funeral for a Friendkanina
pag-alis ko sa bahay kaya medyo emo pa
ang disposisyon ko.
Ipapakonsulta
ko ang aking love letter kay HB(heartbroken) at GD(great depression)– si Hb ay
tropa kong lalake. Medyo hindi sila magkasundo ng inamorata niya kaya down; si
GD naman ay totally heartbroken kaya talagang malungkot siya despite her cheery
disposition. At anong reaksyon nila? Napakibit-balikat lang si HB while grabe
namang makatawa si GD. Magkamali ako. Diagnosis lang talaga ng nakamamatay na
sakit ang hinihingan ng second at third opinion, hindi mga ganong bagay.
‘Akina
nga yan!’ Hinablot ko ang papel sabay lakad paalis.
‘Hoy,
kuya! Teka!’ Hirit pa ni HB.
Nag-horns
up lang ako kahit na inis na. Grrr… makakapatay
ka! I’m feeling malice right now.
‘Hoy!
(Pangalan itinago).’– na-inspire ako doon sa pelikulang “Hello, Stranger” na
hindi nila alam ang pangalan ng isa’t-isa kaya ganon din gagawin ko para may
parehong effect– ‘Wala akong load kagabi kaya hindi kita na-reply-an. Saka si (Pangalan
itinago) kasi at si (Pangalan itinago) inaway ako kagabi. Hindi na tuloy ako
napapagload…’ At sisismulan na naman niya ang kaniyang kwento, bida ang mga
taong wala akong idea kung sinu-sino.
Ako naman
nakinig lang. whoa! Ito na yung feeling ng tinatawag nilangso near yet so far. Nasa
harapan mo lang ang taong gusto mo perop bestfriend lang ang tingin niya sayo. Haybohay!
Pero,
okay lang. tawa lang. ngiti lang. kahit hindi ako natatawa sa kwento niya,
nakakatawa naman ang paraan niya ng pagkukuwento.
Kapag namaos
ka, pagtatawanan kita!
‘Ah,
bago ko malimutan.’ May kinuha ako sa bag ko at pinukpok sa ulo niya: isang
payong. ‘Inamag na sa bag ko.’
‘Hala,
oo nga! Kaya pala hinahanap ko sa amin, di ko makita.’
‘Emo ka
kasi kaya hindi mo makita,’ sabi ko.
Lunchbreak,
ito yung pagkakataongg ayaw kong makita si (Pangalan itinago). Ewan! Dahil ba
sa so-near-yet-so-far na feeling? Baka. Pero okay na rin na dito muna ako sa
canteen, makikipagkwentuhan kina, (Pangalan itinago), (Pangalan itinago), (Pangalan
itinago) at (Pangalan itinago).
Pero,
kahit na sila ang kasama ko, bumabalik ang sulat na yon sa utak ko.
Ang sulat!
Wala na akong maisip na way para ibigay sa kanya un. Un na lang. sana lang
mapansin niya. Sana lang…
Gaya nga
ng sabi o, matagal ko nang kilala si (Pangalan itinago). Pers jir (First year)
pa kami, talagnag kami na ang magkasundo. Lumakas na lang ang feeling pagsapit
ng terd jir.
Hindi naman
siay kagandahan– para sa akin– pero maraming natutuwa sa kaniya. Marami siyang
prenship. Pero kaming dalawa lagi ang magkasama.
Ako? Ako
ang author ng short story na maikling ito kaya ako ang magsasabi kung
ipapakilala ko pa ang sarili ko.
In lababo
ako sa kaniya, un na yon.
Tuwing uwian,
madalas din kaming magkasabay. Sakay ng jeep, magkatabi, magkukulitan… at
sari-sari pa. dahil doon, inasar kami sa isa’t-isa, hindi naman nila alam na
totoo yon. Bwahahahahahahaha…
Pero,
iba ang hapon na yon. Palihim kong inilagay sa
(bagay itinago) ang love letter ko. Ayoko namang makita ang reaksyon
niya habang binabasa yon kaya umeskapo ako.
Oo na.
Handa na ako sa cosequence. Basted na kung basted! Sawi na kung sawi. HB at GD
na kung HB at GD. Basta na-try.
Hindi nga
ba ang sabi nila…
Ahm…
Ano nga
ba yung kasabihang yon?
Shoot! I
forgetfulness na.
Basta! Un
na un!
Ang dilim
ng langit. Wala akong payong. Hindi na naman ako makakatakbo pabalik kapag
bumuhos na ang ulan. Kapag minalas ka nga, magkakasakit pa.
Tapos,
wala pang dumaraang jeep.
Ang swerte!
Kulog!
Kulog!
Kulog!
Saka pumatak
ang pandagdag malas na ulan. Hindi na niyan halata ang luha at ihi ko.
Pero,
biglang tumigil ang ulan.
Hindi! Hindi
un tumigil. Naliligo pa rin ang kalye, eh.
Yun pala,
pinapayungan na ako ni… nino? Ni… alam mo namang hindi ko sasabihin, di ba?
‘Daya! Iniwan
ba akong mag-isa? Tas wala ka pang payong.’
‘Sorry
agad. Akala ko dehins uulan, eh.’
‘eh,
umulan. Talo ka. Wala kang payong.’
‘Oo na.
may payong ka na,. hiyang-hiya naman ako, ‘no?’
‘May
extra pa nga, eh.’
‘Huh?’
‘Ang
corny mo. Mais lang kaya ang corny…’
Oh, my
gushiness!
‘Susunod naman sa bag ko na dapat nakalagay yung sulat, ha. Wag
sa payong. Muntik na kaya maputikan.’
Tumahimik
ako. Feeling ko cherry bomb ang mukha ko. Sasabog na!!! hay, nakupowses!!! Sana
sumabog na ako s kinatatayuan ko.
‘So,
anong tingin mo?’ Saan ko nakuha ang strength ko o talk?
Ngumiti
lang siya. Yung lang. hanggang sa…
‘Wag
muna tayong sasakay,’ ang sabi niya. ‘Malaki naman ‘tong payong.’
WAKAS