Wednesday, January 2, 2013

Bestfriends Mean Forever Ni Telle




Ano na ba ang pinakabaliw na bagay na nagawa mo kasama ng iyong kaibigan? Pumara habang papa-take off ang eroplanong sinasakyan ninyo? Mang-hold up ng banko habang may bank holiday? Magkunwaring patay sa isang kanlye habang may karatulang nagsasabing hindi pa naman talaga ako patay”? siguro marami na rin, simula sa pagka-cutting classes hanggang sa pagwa-one two three sa isang jeep habang sampu kayong maiingay sa loob ng sasakyan. Kapag kasama talaga ang kaibigan, wala nang pake sa mundo, e. wala rin naman kasi kayong pake kung ano kayo sa isa’t-isa. Trip ng isa, trip ng lahat. Tsong, walang basagan!
                Isa sa mga pangangailangan ng tao ang may makasama sa buhay, aoyn ‘yan kay Abraham Maslow; isa sa mga ito ang kaibigan. Kailangan kasi natin ng iitintindi sa atin maliban sa unan na amoy panis na laway na sawa na rin sa kakapakinig ng mga sentimyento natin. Hindi nga ba, no man is an island. Try mo’ng mabuhay mag-isa na parang si Tom Hanks sa Cast Away, tingnan ko na lang kung hindi sumakit ang ulo mo sa pakikipagtalo sa iyong sarili. Isa pa, kahit naman sa Hanks kinailangan din ng bola para mapunan ang pangangailangang ito.

                Sabi nila, marami arw uri ng kaibigan. Nariyan ang mga Tupperware, fair-weather friends, ka-friendster, facebook friends, friends with benefits, true friends false friends, modified true or false friends, super friends, at bestfriends. Pero para sa akin, iisa lang ang klase ng kaibigan: yung pinagkakatiwalaan ko, yung pinagkakatiwalaan ako, yung hindi ako kayang iwan sa oras ng kagipitan at ang pinagkakautangan ko ng aking buhay. Bonus na lang yung may ganang manlibre sa akin sa Mcdo.
                Sa pagkakaibigan, kailangan ng understanding. Yung kalse ng understanding na hindi na kailangan ng salita. Yung may magsabi lang ng “uy, I love dick Gordon” ay magkakatinginan na lang kayo sabay tawa. Kung hindi mo na-gets yung joke ko na ‘yon, wala pa tayobg understanding; di pa tayo friends. Hindi na kailangan ng consent ng isa’t-isa kung may gagawin ka. Kung kaibigan mo ang isang tao, malamang sa hindi iiwasan mo ding gawin ang mga ayaw niya, di ba? Ayon sa isang artikulong nabasa ko, makikilala mo ang isang ato kung malalaman mo ang ikinagagalit niya. Totoo. Kung natripan niyong kumanta sa isang pampasaherong jeep nang wala sa tono, magpalnking sa isang mall, o magtawanan sa gitna ng isang lamay… gora lang, ‘te. Basta alam mong hindi makokompromiso ang iyong kaibigan. Dahil ‘yon naman ang mahalaga, di ba?
                May isang research ang lumabas na nagsasabing ang average na pagkakaibigan raw ay tumatagal lamang ng humigit-kumulang walong taon. Bakit ganong kaikli? Malaman dahil sa pagiging makasarili natin. Marami sa atin ang nabubuhay dahil tumatanggap tayo. Eh, subukan kaya nating magbigay! Hindi nga ba, it’s easy to make friends but it takes a lot to keep them. Tama nga lang na walong taon kung hindi tayo marunong magpahalaga. Skill kaya ang pagpapanatili. Nananatili kang nakamulat ng isang oras, nananatili kang hindi humihinga… nananatili kang kaibigan. ‘Wag magbibiloang. Bigay lang ng bigay. Diyan nasusukat kung ano ka. At malay mo, matatalo mo na ang eight-year average nay an at magiging eight and a half– at least nag-improve.
                Sabi ng isa kong kaibigan:
                Our life will change from:
·         Classroom to office
·         Books to files
·         Jeans to formal
·         Allowance to salary
·         Bf/gf to husband/wife
But friends will never change. They are and always be FRIENDS.
                Kung wala pang nagpapatunay nito, kung wala pang nagpapatotoong kayang magtagal ng isang pagkakaibigan, ito ang hamon ko: simulan mo.