Wednesday, September 26, 2012

You want some Banana Cue? By: Ikay


(“Grrr…) Naku po! Ayan na naman ang tiyan kong ‘di nagpapapigil. As usual, gutom na naman ako! Pa’no ba naman, nalalanghap ko na ang halimuyak ng nilulutong sikat na meryenda sa canteen. Nai-imagine ko pa ang pagkagat ko sa malambot na texture nito. Lalong-lalo na ‘pag naririnig ko ang crunchiness nito habang nginunguya. Hay naku! Gutom na nga ako! Kailangan ko na talaga pumunta sa canteen at baka maubusan pa ako! Pero teka…traffic na naman! Dinagsa na naman ng mga estudyante ang favorite meryenda ko (naku for sure kikita na naman si ‘Ganda’ o kaya naman ang karibal niyang si ‘Nanay Norma’). Ubusan na naman ng banana cue! Kailangan kong makisingit. Dahil sa halagang sampung piso, solve na solve na ang cravings ko. Pero ano nga ba ang hiwagang bumabalot sa patok na patok na banana cue na ‘to (bukod sa affordable), na tila’y humuli sa panlasa ni Juan at siyempre, ng mga estudyante? Ano nga ba ang banana cue?
Sa pagkakaalam ko (at malamang hindi pa ‘to alam ng iba), saging o banana ang pangunahing sangkap na ginagamit sa banana cue (aba hindi! Mansanas o mangga, baka ‘yon! Hiyang-hiya naman ako!) Nababalutan ito ng nilutong asukal at tinuhog sa stick. Sa pagluluto nito, kinakailangan lamang ng kawali, siyanse, kalan (siyempre), mantika, asukal at ang pinaka importanteng sangkap----ang saging.
Ayon sa kasama ni Nanay, sa pagluluto daw nito, inuuna munang iprito ang saging. Kapag ito’y mapula-pula na, saka ilalagay ang asukal. Payo niya ay ‘wag munang haluin, hayaan daw munang magcaramelize (naks English! Meganon?) ‘yung asukal at saka haluin gamit ang “mahiwagang” siyanse, para raw kumapit ang asukal sa saging. At siyempre, bago ito tawaging banana cue, kailangan munang itusok ito sa banana cue stick, at “tadah!”, meron ka nang masarap na banana cue!
Astig hindi ba?! Napakadali lang pala gumawa nito. Kaya naman naglibot-libot ako sa school para marinig ang ‘say’ ng kapwa ko mga estudyante tungkol sa sikat na meryendang ito. Naghanda rin ako ng mga katanungan para sa kanila.
POLL QUESTIONS (kasama na rin ang ‘say’ nila!)
1st question:
“Ano ang masasabi mo sa banana cue?”
• Neil Laggui (ACS I-A): “Masarap. Matamis…”
• Sherylou Baes (BSIT III): “Nakakauta na, tapos mahirap bumili kasi laging nauubusan…”
• Joray Tulabing (BSE III): “Masarap. Matamis. Minsan matigas, minsan malambot…”
• Daisy Baybay & friends (BSBA III): “Maraming asukal tapos tinutusok. May banga, may nakain kaming luma. Minsan malamig. Masarap ‘pag mainit. Mabango ang asukal…”
Tagaytay? Ano nga ba ang banana cue?
Sa pagkakaalam ko (at malamang hindi pa ‘to alam ng iba), saging o banana ang pangunahing sangkap na ginagamit sa banana cue (aba hindi! Mansanas o mangga, baka ‘yon! Hiyang-hiya naman ako!) Nababalutan ito ng nilutong asukal at tinuhog sa stick. Sa pagluluto nito, kinakailangan lamang ng kawali, siyanse, kalan (siyempre), mantika, asukal at ang pinaka importanteng sangkap----ang saging.
Ayon sa kasama ni Nanay, sa pagluluto daw nito, inuuna munang iprito ang saging. Kapag ito’y mapula-pula na, saka ilalagay ang asukal. Payo niya ay ‘wag munang haluin, hayaan daw munang magcaramelize (naks English! Meganon?) ‘yung asukal at saka haluin gamit ang “mahiwagang” siyanse, para raw kumapit ang asukal sa saging. At siyempre, bago ito tawaging banana cue, kailangan munang itusok ito sa banana cue stick, at “tadah!”, meron ka nang masarap na banana cue!
Astig hindi ba?! Napakadali lang pala gumawa nito. Kaya
2nd question:
“Bakit patuloy mong tinatangkilik ang banana cue?”
• Neil Laggui (ACS I-A): “Nakakabusog kasi…”
• Sherylou Baes (BSIT III): “No choice, pinakamura…”
• Joray Tulabing (BSE III): “Kasi maliban sa masarap, nakasanayan na din…”
• Daisy Baybay & friends (BSBA III): “Pangtawid gutom. No choice. Lamang tiyan din ‘yon. Lunch ko minsan. Abot kaya, healthy pa. nakakabusog, (kaso) madumi kasi inuulit ‘yung mantika. Ngayon wala na. kasi maruya na with margarine na binudbudan ng asukal”
3rd question:
“Sa tingin mo, ano ang canteen ‘pag walang banana cue?”
•Neil Laggui (ACS I-A): “Ok lang!”
• Sherylou Baes (BSIT III): “Canteen pa din.”
• Joray Tulabing (BSE III): “’Hindi naman siya kawalan, pero mas maigi naman na meron. In case of emergency (laughs)…”
• Daisy Baybay & friends (BSBA III): “Boring. Walang silbi kasi ‘yun lang ang afford. Hindi kumpleto ang canteen.”
Narinig na natin ang mga comments nila. May negative man, nasarapan din naman sila! Basta ang alam ko, masarap talaga ang banana cue. At lalo namang masarap sa pakiramdam ng nagtitinda ang makitang masaya at nasarapan ang nabentahan nila. Doon pa lamang, solve na solve na sila.
Ikaw.., nasarapan ka din naman sa banana cue ‘di ba? Hmmm… aminin!
P.S.
Wala na nga palang banana cue, maruya na ang bida sa canteen. Sayang (tsk!)


No comments:

Post a Comment