Tuesday, March 19, 2013

Xtracts (galing sa “kung anu-ano”) By Dora



“Hayaan mo lang humagod ang mga kamay mo,
Nang maramdaman ang rurok ng
kagustuhan mo,
Hindi mo naman kailangang maging
expert” o “hasler” sa bawat paghagod,
Ang tanging requirement lang ay may
muwang ka dapat sa mundo.”

           
            Aminado! May mga taong nabiyayaan ng galing sa pagsulat ng “kung anu-ano”--- ng mga tula, ng mga kantang pang sound trip mo, mga librong iniipon mo, mga “short story” na ilang pahina ang inaabot , o kahit “komiks” na kahit may pagkakorni kung minsan ay natatawa ka pa din. Hinahangaan mo na kaagad ang  mga manunulat kahit hindi mo pa nakikita. E, Bakit? Paano? Simpleng sagot: dahil sa mga sinulat nilang “kung anu-ano.” Oo, ganun na nga, mga sinulat nilang sangkaterbang “non-sense” na nagkaka”sense” dahil sa natatawa o nakarerelate “tayo”, mga taong nakababasa sa mga likhang pinaghirapan nilang ihagod, pinagpuyatan, pinag-isipan, pinagpanisan ng laway! Hay, sadyang nakadadala kung halos araw-araw ‘yung mga topic na nilang natatackle. Dahil sabi nga ng iba “ui,’, parang katulad ng nangyari sakin, sayo, samin, sa ‘ting lahat”. Kahit minsan, naiinis ka na sa nangyari sa bida ng binabasa mo, heto ka at inaabangan mo pa rin ang mga gawa ng idol mo. Oh! At paggising, unang maiisip mo pag nakita mo ulit ang libro, “Ahh! Nakakainis naman o, natuluan ko talaga ng laway! Hindi ko pa natatapos! Kainis naman, oh..”
            Pero puwede rin tayong maging katulad nila. Di ba, Lahat naman tayo ay manunulat sa sarili nating paraan? “Hindi tayo magiging maunlad kung tayo ay hindi marunong sumulat ng kung anu-anong bagay. Pero  totoo ring hindi lahat ng pagkakataon ay kailangan nating maging “expert” sa kung anong gusto nating gawin. Sa pagsulat, basta may ideya, bolpen at papel ka, kahit ano pa ‘yang gusting ibahagi ng kaloob-looban mo ay dapat mo lang ilabas. Dahil ‘yun ay Kalayaan mo! Wala naming pumipigil di ba?
            Pangita na at gusto mo pa bang ibigay ako ng ebidensya? Si “Bob Ong” at “Jay Panty”, sino bang hindi makakalimot sa mga libro nila at sa mga linyang nauso, pinang GM at pinost pa? Gasgas na pero kahit paulit-ulit, non-sense at mga simpleng bagay lang na di napapansin ang inilalahok nila para mabuo ang mga “quotes” na ‘yun, di ba’t apektado ka?
            Ganun lang ‘yun. Maikli man ang gawin mong obra, mahaba man gaya ng nobela o maikling kwento, kahit libro, tula, kanta at kung anu pa yang balak mo, kahit walang sense o wala ka sa tunay na mundo nang isulat mo yan, basta sa utak yan nanggaling at nasisiyahan ka’t naliligayahan at naluwalhatian (dagdag lang) sa ‘yong ginawa, ‘yun… ‘yun nay un. Alam kong madami kang ideya, dahil imposibleng sa isang buong araw na bumabangon, pumapasok at umuuwi ka o gumagala muna, e, walang kakaibang nangyayari sa buhay mo – malungkot man o masaya. Pero, isipin mo lang lahat-lahat ng ‘yon – pagpansin o pag snob sa’yo ng crush mo, pagsalubong mo sa pinakapangit na tao sa buhay mo, o kaya mga bagay na sinisira ang badtrip mo nang buhay – at sa lahat ng ‘yun, for sure eh magkakainspirasyon ka nang gumawa… ng article ha’ hindi ng kung ano. Malaya ka at sinasabi ko sa ‘yo, Malaya ka!!!
            Kung pipigilan mo yan, kaw bahala! Kasi mas magandang isang KATHA ang kalabasan ng lahat ng “non-sense” mong ideya kesa kutusan ka pa ng katabi mo sa amoy itlog mong utot na ibinahagi mo na nga sa kanya,ayun! nagalit pa sya!
Mula yan sa akin. Payo lang. Oh, may pagtanggi pa yan.. hehe.

No comments:

Post a Comment