Nagsimula ang lahat noong nag-umpisa silang asarin ako sa isang babaeng maituturing ko ngayong isa sa pinaka-astig na babaeng nakilala ko–si Ikay. Maganda, mabuti, outspoken… basta. Ako naman itong si hindi masyadong interesting na guy na laging aligaga sa mga bagay na wala namang kwenta. Ewan ko kung bakit nila ako itinutulak sa kanya. Wala naman sigurong malalim na dahilan. Trip lang. may magawa lang ang tropa. Pero, naiinis ako sa aking sarili dahil ako itong si tanga na nahulog dahil sa panunulak nila. PANALO! Nakakainis. Ngayon, hindi ko na alan ang gagawin.
Pakiusap! Tulungan niyo naman ako, o!
Dumaan ang mga araw at ang feelings ko na ito ay nag-ugat na ng malalim. Hindi na ito tatablan ng bulldozer for sure. Stable na. ang tanging bagay na lang na peuwede kong gawin ay ang titigan siya mula sa malayo. Buwisit siya! Bakit ba naging balon pa siya?! Ayan yuloy! Nagkamali lang ako ng hakbang, nahulog na ako sa kaniya.
Kung wala silang dahilan upang itulak nako, wala ring dahilan ang pagkahulog ko. Wala ring dahilan akong nakukuha para umahon pa. nahulog na ako. Yun yun, eh!
Pero, may balak ba akong magtapat? Am… ewan. Wala? Basta! Takte! Mahirap kapag sa kaibigan ka nahulog. Tung feeling na kapag sinimulan ko, may mababago. Ayoko ng ganoon! Sanay na kasi akong lagi siyang kakuwentuhan at ang maganda pa, pareho kaming fan ng The Script. Sabay namin iyong kinakanta kahit asar siya sa boses ko. Eh, ano naman!? Ganito na tio, eh. Madalas naming mapikon yung rakista naming kuya-kuyahan sa office- si Kuya hardcore- ng aming publication dahil nga sa music namin. Astig! Kung makikita nyong mag-walk out si kuya.
“Uy, guys, a-attend ba kayo ng Foundation ball?” tanong ng anak-anakan ko sa opisina. Oo, meron akong anak-anakan kahit hindi alam ng ina.
Foundation Ball? Oo nga! Rumehistro sa utak ko ang senaryong ito: kasiyahan, hiyawan, party-party… a dance with her. Kakilig! Gusto ko yon! Pupunta ako kung pupunta siya.
“Ikay, pupunta ka?” tanong ni Kuya hardcore sa kaniya. “punta ako kung pupunta kayo.”
Kulang na lang ay i-cross ko ang daliri sa parehong kamay at paa para lang makita siyang pumayag. Gusto ko siyang makitang naka-dress, todo-ayos at to the highest level ang kagandahan. Yung tipong matutunaw ang lamang loob ko sa kilig.!
“oo. Sige. Punta ako,” tugon ni Ikay.
Yes! Halos mapatalon ako. Mapasigaw. Pero pinigil ko. Baka makahalata. Ayokong ibuking ang aking sarili. Sa ball ko yon gagawin. Oo, magtatapat na ako.
Dumating ang gabi. Tae! Kasi hindi ako masyadong nakapag-ayos. Buti pa yung iba kong kasama todo hataw. Para lang tuloy akong napadaan. Astig sila! May mukhang ahente ng lupa, may kampon ni Kamatayan dahil all black, may nagmukhang manika dahil ang cute, may kulang na lang ay kabaong… pero siya ang gusto kong makita.
At, hayun nga! Hindi ako nabigo. Ang ganda niya! Takteng tae yan! Nakakakilig! (at hihiyaw ang puso ko ng ANG SWEAT!!!) para bang sabi ni Kuya Hardcore, sa sobrang kilig ko parang gusto kong manira ng gamit. Basta! Iba siya ngayong gabi.
Kinailangan ko ang lahat ng lakas ng loob na nagkalat sa buong mundo para lang yayain siyang sumayaw.
Yung kaba ko, grabe! Balak ko na rin kasing sabihin sa kanya. Dapat may masimulan ako para may matapos. Ayoko nang nai-stuck at walng progress. Kaya heto na, humigop ako ng tamang lakas ng loob, tumayo mula sa upuan at inabot ang kamay ko sa kaniya.
At ang kantiyaw ng tropapips! Bahala sila, basta magawa ko lang ito ng tama, masaya na ako. Kahit mabigo, at least na-try.
Imagine, yung pamumula ng mukha niya! Napahiya siguro. Ngunit, kinuha niya ang aking kamay and we headed to the dancefloor. Five munites of perfect stillness yon para sa akin. Tumigil ang oras. Pinanood ko lang ang pagtama ng spotlight sa buhok niya. Isang perpektong gabi sa perpektong kasayaw sa hindi masyadong perpektong musika. Puwede na yata akong mamatay bukas, kung matapos pa ang sayaw na ito nang buhay pa ako. Naalala ko ang tulang nabasa ko: may isa lang akong kahilingan, na sana kapag natapos na ang tugtog, sana hindi hindia ang ating sayaw. Sarap imagine-nin!
Natapos ang musika. Inokupa ko ang silyang nireserba ng kapatid-kapatiran ko sa publication. Para pa rin akong nakalutang sa hangin. Surreal! Panalo! Nangyari ba talaga yon? First dance ko. Pero, teka! May nakalimutan ba ako? Isang bagay na mahalaga. Meron ba?
Isip!
Isip!
Isip!
TAE! Nakalimutan kong magtapat. GAGI! Sinabi ko na sa sarili kong ito ang gabing yon. Hindi ko man lang nasabi. Tol, ang bobo mo! Gusto kong iumpog ang sarili ko sa mesa kung saan kami nakapalibot.
Kung hindi naman sandamakmak na boplaks! Lutang ang utak ko pagkatapos. Kahit na ramdam ko pa sa aking kamay ang malambot niyang palad at ang paghakbang pakaliwa’t-kanan ng paa ko, sabaw naman ang aking isipan. Leche flan at shiva!!! Wala na. Kasabay ng pagkamatay ng kandila ng tsansa ko ay ang pagkaupos ng lakas ng tropa. Bored na sila kaya nagliparan na ang butong pakwan, butong kalabasa, butong chicharon at butong plastik. Hindi ako nakisali sa kalokohan nila kahit na may lumilipad na sa mukha kong butong fill in the blanks. Takte ka kasi, ikoy. Bobo! Well, ang sariling boredom na lang at ang pagkadismaya ang in-enteratin ko. Ayun ang isang plato ng watermelon seed! Makapag-lettering na lang. Ewan! Sabaw na ang utak ko. Nabobobo na.
“I LOVE HER” ang nakasulat sa ibabaw ng table, ang nabuo gamit ang mga sawing butong pakwang wala nang pag-asang kainin. Katabi ng mga salitang ito ang isang arrow na nagtuturo sa kanya. Hindi naman niya ito mababasa dahil sa madilim doon sa lugar namin. Kundi ko pinabasa kay anak na katabi ko lang. Ayun! Nakatikim pa ng kampas de kilig. Smiling face pa ako kahit na deep inside ay super ultra mega to the highest fucking level ang disappointment ko. Gademet naman, oh. Tumayo ako para magbanyo, pampabawas tensyon. Pagbalik ko ay wala na ang butong pakwang romantiko, narororoon na tropa sa dancefloor at nagwawala at inaantok na ako. Pwe! Itutulog ko na lang ito! Baka sakaling sa panaginip ay magawa ko na ng tama ang hindi ko nagawa sa mundo ng mga matitino.
Lunes. Burado na yung feeling na gusto kong iumpog ang ulo kosa pader. Back to reality. May tsansa pa naman. Kailan lang ang tamang tanong. Ah, hindi pala! Kung pala! Hindi ko tinungo ang office noong umaga. Baka pumurol lang ang utak ko. May quiz pa akong dapat bunuin. May project pang dapat ipasa. May pagkaboplaks pang dapat i-enhance. Ang pagpatay oras na lang ay ang pagtingin sa room nila sa third floor. Nasaan kaya siya? Pampakumpleto lang ng araw. kundi muna ako lumabas ng roon. Gala.
Sa canteen ko nakita si kuya Hardcore ko kuno. Nagba-banana cue. Dahil wala akong kasama, nilapitan ko siya.
“Tol, nakabawi na ba ng tulog?” tanong niya.
“Medyo. Dami ko kasing ginawa. Si Ikay, andiyan ba siya?”
“Oo. Andun sa office. Hindi pumasok ng first meeting. Naboboplaks na ‘ata”
Tawa lang ang bida niyo.
“eh, tol. Kumusta?”
“Alin?”
“Alin ka diyan! I know you know that I know that you know what I am talking about. Si letter I…”
“Ha?” hindi kasi nila alam na may gusto ako sa kaniya. Yung anak-anakan ko lang ang may batid ng mga bagay na hindi batid ng dito ay dapat makabatid.
“Painosente? Tol, nababasa kita. Ramdam ko na ganon ka sa kaniya. Nasabi mo na?”
Lakas ng radar! O baka naman ganon na akong ka-obvious. Naku! Kailaingan nagng mag-ingat. “Hindi, eh. Takte kasi. Nadala ako nung last time.”
“Problema yan. There is always time. Kailangan lang makita mo yung time na yon. Gawan namin ng paraan. Tol, pamilya tayo. You are one with us.”
“Salamat, kuya. Oo. Gagawin ko yon.”
After ng maikling short conversation na yon, bumaba na ang bida niyong bad trip papunta ng office. Andon daw siya. Ano namang sasabihin ko? Yun na? yun na yun? Gusto kita and puwede bang manligaw? Nasaan yung sining? TAE! magpapakanatural na lang ako.
Pagpasok ko ng office, katahimikan ang sumalubong sa akin. Asan na siay? Wala. Baka lumabas or something. Iginala ko ang mga mata ko. SHIT! Ang kalat naman sa computer! Puro butong pakwan! Naalala ko tuloy yong… sino ba namang walang disiplina ang gagawa ng ganoon?
Lumapit ako sa dalawang white table na paborito kong tulugan. Ilalagay ko na sana ang bag ko doon nang meron akong isang shocking na bagay na nakita. Picture ni Maria Ozawa? How I wish! Pero mas malala ito.
“Oh, my God!!!” bulalas ni Ikay na kapapasok lang. parang nakakit siya ng multo! Sinugod niya ang nasa ibabaw ng table at ginulo. “SHIIIIVVVAAA!!!”
Speechless ako.
“K-kanina ka pa?”
“Ah–“ uy, boses ko, lumabas ka! “K-kadarating lang.” wasak ang composure dahil sa nakita. Feeling ko kamatis ang mukha ko dahil sa pamumula.
“Nabasa mo?”
Tango. Yun na lang ang naisagot ko. Tango.
Katahimikan. Katahimikang malupit. Katahimikang meaningful.
Namumula man, napangiti siya.
“Alam mo na tuloy…” Wala na siyng nasabi pa kundi yon.
Buti pa nga siya may nasabi pa. ako, stapled shut na ang bunganga. Speechless. Sobrang speechless. Weird. Nananaginip ba ako? Yun kasing nasa table…
Nananaginip lang ba talaga ako? Sana hindi. Sana totoo yung lettering ng butong pakwan na nabasa ko, yung kagugulo lang niyan. Yung kabubura lang niya. Kainis! Naunahan niya ako.
At saka, wala siyang originality, ha.