Monday, March 5, 2012

"'To Ang Reklamo Ko" by Ratio Osor


https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgz-Qj2vrOV1A4I0CiTHv9nJSld9PRfAKoINW6UaTypGTXLcMflQJKqYX_ar-ixrjFYtBpKPwHHgrrxzjSykAeEJTFWZEyclpl675GlEcM2vAkSkwgXx0g466jS8MwQeO9SWNbJNbp9-Xo/s1600/reklamo.gif


Gano mo kalimit marinig at makita sa TV, radyo at d’yaryo ang mga balitang naglalaman ng mga hinaing nating mga Pinoy? Malamang araw-araw.
            Oil price hike, dagdag pasahe, price increase sa singil ng MERALCO at maging performance ni P-noy inirereklamo na natin. Kakambal na tata ng mga balita sa araw-araw ang reklamo ni Juan. Reklamo na oras-oras na umaalingawngaw sa ating mga pandinig. Reklamo na karaniwang nagppasakit sa ulo ng ilan. Hiling na bawasan ang presyo nito at hiling na bawasan ang presyo niyan. Mga hiling na karaniwang hindi naman napagbibigyan ng gobyerno. Eh, ano nga ba ang magagawa ng gobyerno sa mga reklamong sigaw ng mga mamamayan?
            Sabi nga nung professor ko, ang bansa daw ay parang isang organisasyon na mayroong internal at eksternal environment. Kung saan ang internal ay yung mga bagay na maaaring makontrol ng namumuno at yung eksternal naman ay hindi. Parte ng eksternal environment ang ekonomiya, kung kaya hindi nakadepende sa pamahalaan kung mataas ang presyo ng mga bilihin sa merkado.
            Kasalanan ba ni P-noy kung madaming  pobre sa bansa? Kasalanan ba niya kung sabog na sa populasyon ang Maynila? Hindi naman, diba? Kasi tayo din naman ang ppumipili kung anong buhay ang gusto natin. Kung gusto mong umunlad, gagawa at gagawa ka ng paraan para dito at kung wala ka namang plano sa buhay, umupo ka na lang at kumanta ng Baby ni Justin Beiber. Kasalanan din naman ng mga taong nagsisiksikan sa Maynila kung bakit umaapaw na ang lunsod sa tao. Mga tao din naman ang nagdesisyon na umalis sa probisya at manirahan sa ilalim ng tulay at gilid ng riles dahil nabalitaan nila na masarap sa Maynila at madaling mabuhay dito.
            Madalas nating sinisisi si P-noy at sinasabing wala siyang ibang ginawa kundi magpaPOGI. Pero hindi ba parang kailan lang eh, sinisigaw ng halos buong bansa ang pangalan niya nang magwagi siya sa eleksyon. Sambayanan din ang pumili at nagbigay sa kanya ng kapangyarihan. Kaya sino ansa tingin mo ang dapat sisihin?
            Hindi hawak ng gobyerno ang desisyon ng mga tao, kaya nga tinawag na democratic country ang Pilipinas kasi may kalayaan tayong kumilos, magsalita at pumili ng taong nais nating mamuno sa ating bansa. Yun nga lang, masyado na ata nating inaabuso ang kalayaang ito kung kaya’t sa pamahalaan natin binubunton ang lahat ng problema na tayo rin naman ang may gawa.
            Masasabi mo bang makapamahalaan at maka-P-noy ako? Hindi siguro, kasi marami rin akong reklamo tulad mo. Gusto kong ireklamo ang kakulangan ng implementasyon ng ilang batas sa bansa gaya ng pagbebenta ng yosi sa mga under age at schools na dahilan kung bakit marami akong kakilala na adik sa pagsisigarilyo at unti-unting pagpatay sa sarili. Gusto ko ring ireklamo yung mga mahilig mangurakot diyan sa tabi-tabi, mga ‘takte sila na peste sa lipunan! Tinalo pa nila yung mga daga at ipis. O diba, reklamador din ako gaya mo. Tingnan muna natin kung sino ang may pagkukulang, kung nasa gobyerno ang sanhi  ng problema, dapat lang na ipaglaban natin ang ating karapatan. Pero kung hindi naman ang pamahalaan ang dahilan, mas mabuti pa na tumahimik na lang sa isang tabi at mag-isip ng mas epektibong paraan kaysa magpakapaos at magpakapagod sa kasisigaw  at kalalakad habang nagrarally sa kalsada.
            Hindi lahat ng hinaing ay dapat isisi sa gobyerno, may partisipasyon tayo dito dahil parte tayo ng bansang Pilipinas. May partisipasyon tayo  kung bakit tayo inuulan ng mga suliranin at problema, sabihin na nating marami talagang pagkukulang ang pamahalaan. Pero ikaw, naisip mo na ba ang mga mali at pagkukulnag na nagawa mo sa iyong sariling bansa? Lahat tayo ay nagkakamali, kasi walang sino man sa atin ang perpekto.

No comments:

Post a Comment