Inatake ka na ba… ng katamaran? Ako, oo. Madalas! Tulad ngayon, tinatamad ako’ng magsulat. Kaya lang, parang may isang libo,t siyam na raang bato-balani (magnet sa hindi nakakaalam) na piit umahatak sa akin upang sulatin ang article na ‘to.
Sa totoo lang, di ko alam kung ano’ng isusulat ko dito: kung paano ko papalawakin ang ideyang hindi ko alam kung ano. Ahh… hindi pala! Tinatamad lang ako mag-isip ng puwede kong isulat. :D Ang hirap kaya maging wrier! Ang hirap magsulat ng totoong may kabuluhan. Ahh… Hindi pala! Mali na naman! (bobo) Sadya lang tinatamad akong magsulat ng may direksyon! Yun na yun, ‘te! Kuya!
Teka,teka! Alam ko tinatamad ka na ring basahin ‘to. Pero bago mo tuluyang ilipat, itapon o lamukusin ang binabasa mo’ng ‘to, hindi ka ba nagtataka kung paano ko ito napahaba ng ganito? (Itong article ko, ah!). kung napapahawak ka na sa baba mo, pareho lang tayo. Ewan ko din ba kung bakit! Nakakatamad kaya mag-isip! Haaay…
Pa’no na ba ‘to? Wala na talaga akong maisulat. Tinatamad na talaga akong magsulat! TSKA AM Q IKW RN! TNTMAD KNA MGBSA (Signos yan na ayoko na talaga!).
Sandali! ‘eto, last na! yung title balikan mo. Alam mo na? malamang alam mo na kung bakit “Aticle na Wlang Title” ang pamagat nito. Sabi ko naman sa’yo e, tinatamad ako! :P
No comments:
Post a Comment