Paano ba ang maging sell-out?
Una, bumuo ka ng isang matibay-tibay na prinsipyo. Dapat sigurado kang matibay ito at hindi babagsak kapag dumating ang mga delubyo ng buhay mo. Pangalawa, siguraduhain mo’ng ikaw naman ang hindi matibay. Kapag may naganap, bitawan mo na agad ang paniniwala mo. Magulo ba? Sa palagay ko ay hindi. Marami naman kasing gumagawa nito. Ganyan ang buhay. Minsan may prinsipyo , minsan wala. Pero, mas mabuti na ang huli, at least wala kang bibitawan kesa naman sa mabulaklak nga ang mga pahayag mo, eh takteng buhay ito, pinili pa ang tiyan(o ang grade, posisyon at kinang ng kasikatan) at tinalikuran ang lahat.
Tadtad ang mundo ng mga sell-out. Simulan natin sa musika, s pulitika hanggang sa mga taong personal mong kilala. Kaya ka nilang ipagpalit. Ano nga ba ang halaga mo kumpara sa mga mas magagandang bagay na makikita nila. Ang pagiging oportunista ay pagiging sell-out. Ang pagbenta ng dangal ay pagiging sell-out. Ang pananatili para lamang sa asriling intension ay pagiging sell-out. Ang pag-iwan sa kaibigan ay pagiging sell-out. Ang mabuhay para lang magpaganit ay pagiging sell-out.
Ang pagiging sell-out ay walang pinagkaiba sa pagigig pokpok. Wala ka na ngang dangal, magpapagamit ka pa. parang hinubad mo ang huling tela na tumatakip sa iyo para lamang malamnan ang tiyan.
Sinasabi mo ba’ng mali itong palagay ko? PUWES!!! Paniniwala ko ito at ang paniniwala ko, mananatiling nasa akin… hindi ko ibebenta!
No comments:
Post a Comment