Sa iyong lumang rebulto ni Maria sa sala ni Lola Belen. Halos lahat ng mga gamit sa buong bahay ay alaga, lalo na ang imaheng yon. Sa tuwing dadalaw kaming mga apo niya sa bahay upang tingnan ang kaniyang lagay sa luma niyang mundo, makikita lang naming siyang mataimtim na nakikipagtipan ka Maria.
Mag-isa na lamang si Lola sa malaking bahay na yon. Madalas ko siyang dalawin. Obligado eh, kailangang may tumingin-tingin sa kaniya. Kaso, hindi ko magawang magtagal doon dahil sa kakaibang aura ng paligid. Parang malamig at walang laman.
“Naku, hijo. Hindi naman talaga ako nag-iisa. Laging pumapatnubay ang Diyos, “Ito ang lagi kong naririnig sa tuwing magtatanong kaming magpipinsan tungkol sa pag-iisa nya. Wala naming kaming magawa. Mahirap ilipat ang isang puno kung nag-ugat na ito sa tinirikang lupa.
Wala akong sinang-ayunan sa mga paniniwala ni Lola. Dahil na rin sa mga sentimyento kong kontra-katolisismo. Ismid na lamang ang reaksyon ko sa tuwing makikita ang matanda na nakaluhod sa harap ni Maria. Pagsamba sa Diyos-diyosan para sa akin; buhay para sa kanya. Tikom na lamang ang bibig ko.
Medyo malungkot ang aura ng bahay sa tuwing darating ang hapon, lalo na kung alas-tres na. Sa gitna ng antik na katahimikan, tanging pagaslas at bulong ng puno ang maririnig. Sanay na ako kahit minsan ay naaalala ko yung mga pelikulang aking napapanuod. Insidious, Blackwitch project, The Grudge, The Ring, Shutter. . . Hindi ako naniniwala sa multo- dahil yon ang dikta ang relihiyon ko- pero kung sa lumang bahay ka na yon nakatira, talagang mahihintakutan ka.
Labinlimang minutong katahimikan ang hinihilinh ni Lola sat wing dadako ang kamay ng orasan sa alas-tres. Para sa kaniya, ito ang pinakataimtim na sandal sa buong maghapon kahit para sa akin, kinain na ng pagkataimtim na iyon ang buong araw. Yun ang sandaling muli akong iismid, sandaling luluhod siya sa harap ni Maria at magpapaalipin sa isang estatwang representasyon ng isang mortal.
Mahilig ako makipagdebate. Nakilala ako dahil sa hindi ako nagpapatalo pagdating sa mga bagay na pinaniniwalaan ko. Hindi naman kasi Diyos si Maria. Mortal siya. Kaya lang naman siya nailagay sa pedesyal e kasi mas mataas naman daw ang ina sa anak, ang argumento ko. Ngunit, sa maamong ngiti ng Lola Belen ko at sa pagpili niyang pakinggan na lamang ang paniniwala ko na mabasag ang sahig, ramdam ko ay talo ako sa kanya. Mahirap makipagtalo sa isang matandang ngiti lang ang tanging alam na tugon sa mga pambabatikos ko.
Kaya sat wing matatalo, iiwan ko na lamang siya sa kusina at bahay-bayin ng makintab na kahoy na sahig ng sala palabas. Doon nakalagak si Maria. Titigil ako sa labas at tititigan siya.
Diyos-diyosan.
Exodus kapitolo bente; talatang kwatro.
Gagamitin ko uli ang ismid na yon na reserbado lang para sa mga sandaling tatapat ang kamay ng orasan sa alas-tres.
‘Nakakainis, maririnig ko ang aking sarili na bumubulong, saka ko itutulak ang aking sarili palabas ng beranda.
Isang mahinahong babae ang matandang nagpalaki sa akin. Kabaligtaran ko siya. Ang gusto ko ay nakikinig ang mga tao sa mga walang direksyon kong pangangaral; nangangaral siya sa pamamagitan ng gawa. Anak ako ng isang puno na piniling layuan ang relihiyon na kinamulatan ni Lola, kaya hindi ko naranasan ang sa aking palagay ay kalokohang dala ng katolisismo. Wala akong pakialam sa politika, hindi naman nito kayang iligtas ang isang kaluluwa sa nagbabagang lawa ng impierno. Walang politika roon. Kaya naman mas mabigat sa akin ang usapang relihiyon. Marahil, ito ang dahilan kung bakit gayon na lang ang pagpilit ko sa matanda na layuan na ang impluwensyang dala ng imahe sa salas niya.
Biyernes ng gabi, walang obligasyon sa eskwelahan. Walang obligasyon sa bahay ni Maria at alipin niyang Matanda. Walang pakialam sa mundo habang nakahiga ako sa sofa ng salas at nakikinig ng mga praise and worship songs.
Walang laman ang aking isip sa ganitong mga pagkakataon. Walang mga relihiyong sentimyento na maaaring tutulan ng ibang tao. Ang gusto ko lamang ay makapagpahinga.
Hindi ko namalayang bumibigat na ang mga mata ko. Nawawalan na ako ng koneksyon sa mundo at malapit nang pumunta sa mundo ng mga panaginip. Makakapagpahinga n gang aking utak.
Nang biglang. . .
Braggg.!
Bumalik ako sa mundo ng mga gising. Nagulat. Bumangon ako upang tingnan ang pwersang naglakas ng loob na abalahin ako. Doon ko nakita ang Picture frame ni Lola na nabagsak sa sahig. Basag.
Ewan ko kung bakit pero may iba akong naramdaman. Pero, bakit?
Sumunod ang pagtunog ng cellphone ko. Hinablot ko ang aparato na nasa lamesita lamang. May nagtext. Si pinsang Aben. Piking pinipisil ang isang buton at binasa ang mensahe.
“Kua, mxmang blita! C Lola ptai na ngksunog hndi xya nklabx”
Natigilan ako. Ang basag na Picture frame. Ang mukha ni Lola Belen. Totoo ba ito? Kilala ko ang pinsan ko nay un. Hindi noon ugali ang mantrip. Laking chapel din katulad ko.
Otomatikong gumalaw ang aking mga paa. Nagtatakbo ako hanggang sa marating ng aking tila makinang katawan ang lumang bahay. Maraming tao ang nakapalibot sa sanktuaryong kinain ng gutom na apoy. Dahil gawa ang malaking bahagi ng tirahan sa kahoy, walang natira. Wala.
Ano ba ang mararamdaman ko? Hindi ko alam. Ni hindi ko napansin ang luha sa mga mata ko. Ni hindi ko napansing umaambon nap ala. Tumalikod ako sa bahay at humakbang.
Yon ang puntong humagulgol na ako.
Si Lola. . . Si LOLA!
Matapos makabawi mula sa napagkalakas na hampas ng realidad sa aking pagkatao, nagging bukas ang isip ko sa mga kwento. Maraming mga saliata ang naisalin mula sa mga bumberong rumesponde hanggang sa mga walang awing tsismosa na nakatumpok sa isang gilid ng lamay.
Nagmula raw ang apoy sa isang kandila na nakatyo malapit kay Maria. Dinilaan ng elementong iso ang kurtinang malapit sa kandila. Napabayaan. Walang ibang tao doon maliban kay Lola.
Ang kasunod ng mga kwento ay mga agam agam na. Mga teorya. Maaari daw ganito ang naganap. Maaaring ganyan.
Ngunit, isang bagay ang sa akin ay gumulat. Gumuhit ito bilang isang kakaibang pakiramdam sa aking puso. Dahil sa ilalim raw ng mga uling at nabigong pagligtas, nakita raw si Lola na yakap-yakap ang diyosang si Maria.
Wakas